Biyernes, Mayo 23, 2014

MANGGAGAMOT, ALBULARYO, GAYUMA, KULAM, BARANG atbp.

Bago ang lahat, nilikha ang page na ito upang maglahad ng aking kaalaman na nag
mula sa aking karanasan patungkol sa ibang klaseng pang gagamot o spiritual na gamutan. Hindi ko pinipilit na maniwala ang mga mambabasa, sa halip ay "baka" makatulong ito sa mga naghahanap ng kasagutan sa matagal na nilang tanong tungkol sa spiritual na bagay. Ang tama at mali ay nasa sa tao kaya kung iibigin mo ang kaayusan at kapayapaan ay pipiliin mo ang igalang nalang ang mga taong kasalungat sa iyong paniniwala maliban na lamang kung ito'y magiging banta sa iyong sariling kaligtasan.


Ang Aking Paniniwala: 


1. Lahat ng bagay at buhay ay nagmula sa Diyos.
2. Hindi relihiyon ang tunay na batayan ng kaligtasan kundi ang ating kalooban(malinis ba o mapagpaimbabaw o hindi nga malinis)
3. Mayroon talagang Espirito at mga ibang nilalang liban sa tao at hayop.
4. Tunay ang Kulam, barang at iba't ibang karunugang lihim.
5. Ang lahat ng bagay ay may katapat katulad ng sakit, ang sakit ay may katapat na kagalingan.


Ang Kulam at Barang - ito'y isang uri ng gawain na kung saan ang isang taong may kaalaman upang magsagawa nito ay maaaring magbigay ng sakit o karamdaman sa taong nais nyang maging biktima, kadalasan nagiging biktima nito ay ang mga taong nagkaroon ng atraso o damage sa taong marunong magkulam o may kakilalang marunong nito. Ngunit minsan ay wala naman ginagawang masama ang taong biktima ng kulam, kadalasang dahilan ay INGGIT na siyang naguudyok sa tao upang ipakulam o ibarang ang kanyang kapwa. Sa aking karanasan ay may nakilala na akong mga mangkukulam at mga grupong mahilig sa black art o black magic, isa na dito ay itatago ko nalang sa initial na "F", tumatanggap siya ng patrabaho(pakulam) sa halagang 25K kung susupilin na ng tuluyan at 10K kung parurusahan lang. nakita ko na kahit madami siyang patrabaho ay tuloy pa rin ang mahirap niyang pamumuhay. Pinag aralan ko maigi kung anu ba ang pumipigil sa kanya bakit siya nagkaganon,at natuklasan ko sa pamamagitan ng pangitain at balintataw na pinaliligiran siya ng mga alaga niyang demonyo o itim na usok. Marahil ito ang pumipigil sa kanya upang mapilitan siyang tumanggap ng patrabaho para ituloy tuloy niya ang makademonyong gawain.
Sa makatuwid, kung ikaw ay marunong sa spiritual na gawain ay dalawa ang pwede mong tayuan, ang masama o mabuti. Kung pipiliin mo ang masama ay sa masama ka nga, at gayon din naman sa mabuti.


Ang Gayuma - Ito naman ay gawaing spiritual upang mapaamo, maakit at mapaibig ang isang tao. Pinaka madalas na may nangangailangan nito ay ang mga tao na mejo tinatakbuhan na ng oras o ang mga taong mailap ang buhay pag-ibig. minsan din ay sa mga may asawa na upang bumait at wag ipagpalit ng kapareha at mga taong gusto mang abuso ng kapwa. Sa aking kaalaman ay may dalawang ruta ang dinadaanan ng gayuma, ang una ay limbec system ng utak o puwang sa gitna ng dalawang lobo ng utak at ung isa naman ay sa spinal cord. Sa una ay ang limbec system, ito'y lubhang nakakatakot sapagkat kadalasan ang biktima nito ay nahaharap sa pagkabaliw, at ang pagkabaliw ay indikasyon ng pagkasira ng kaluluwa. ang gumagalaw sa ruta na ito kadalasan ay mga evil spirit o minsan ay malakas na engkanto. Ang ikalawa naman ay sa spinal cord na tutungo sa utak at puson kung saan naninirahan ang spirito ng tao. Ito naman ang mas malakas at mas tunay na epektibo dahil ang gumagalaw dito ay good spirit, itoy gayuma na hangad ay pag-isahin kayo parehas sa pag-ibig at pagmamahalan.

Bukod sa gayuma meron din tinatawag na magnetic personality na kung saan walang dapat utusan na spirito kundi ang sariling aura mo lamang. Halimbawa na lamang ay may kilala kang hindi kagandahan pero napakalapitin ng tao at madaling kagaanan ng loob at tunay nga namang makikitaan ng kabutihan. Palibahasa ay may malinis na kalooban at walang sumpang nabitawan sa kanyang mga ninuno ay siyang magtataglay nga ng isang pwersang humihigop ng positive energy at sa sobrang lakas noon ay matatabunan nya ang negative energy ng iba kaya pag nakasama nyo siya ay mawawala ang bad vibes o bad aura niyo.

-Kaya ang pagkakaraoon ng isang malinis na kalooban na walang pagmamataas ay maaaring magtaglay ng magnetic personality. Mga taong mas pinahalagahan ang pag-ibig sa kapwa kaysa sa mga masasamang bagay at karanasan.


Ang Gamot- Dalawang uri ng gamutan ang aking pinaniniwalaan, ang una ay pisikal na gamutan at pangalawa ay ang spiritual na gamutan. Ang pisikal na gamutan ay patungkol sa medisina na ukol sa pisikal na problema halimbawa ay sugat, virus infection, cancer etc., itoy nagagamot sa pamamagitan ng siyensya at teknolohiya na aangkop sa naturang sakit. Ang ikalawa naman ay gamutang Spiritual, na kung saan ay parang pisikal na sakit din, pero nalalaman na hindi ito pisikal sa pamamagitan ng pagpinasuri sa doktor ay wala naman makita o findings o negative sa lahat ng test na isinagawa, minsan nalalaman din kung ipapatawas sa albularyo o manggagamot. Minsan nalalaman din ito sa panaginip. halimbawa ay nanaginip ka ng KUTO, AHAS ng gumagapang at tinuklaw ka o aso na nangagat, minsan bakla na di mo kilala, balakubak. Madalas din gumising ng walang dahilan ang biktima sa madaling araw ng 2 - 3:30am. 

-kung nakulam mabisang gawing ay isulat sa white bondpaper ang buong JUAN 17 sa bible. At bago matulog ay basahin ito ng buo sa harap ng biktima or basahin na rin ito ng biktima. Sikapin magtaglay ng holy water at basain ng patak ng H.water ang bunbunan ng biktima. magpausok din ng bendita palaspas kasama ang insenso at kamanyang kahit sa papel lang magsunog kung walang uling.



Ang Lihim na Kaaway - Ito'y sa simpleng salita ay Demonyo o Diablo o Masamang Spirito. Hindi tao ang lihim na kawaay sapagkat ang tunay na pakay ng evil dito sa lupa ay ihiwalay tayo sa Diyos. Papano? ganito yun, halimbawa ay isa kang matinong may bahay ng pamilya, aalamin ng diablo kung papano kayo sisirain, titignan nya kung ano kahinaan mo, pwedeng bigyan nila ng sakit ang bata at isasabay naman ang pagtukso sa lalake upang umapid sa ibang babae at itong ilaw ng tahanan ay tatawag sa diyos ngunit guguluhin siya ng mga demonyo, ipaparamdam sa ina na nagtaksil ang kanyang asawa at hindi gumagaling ang anak sa sakit kahit anung dasal. Unti unti manghihina sa pananampalataya ang ina at magsisismula na siyang magquestion sa diyos "Diyos ko! bakit mo ito ginagawa sa akin" na hindi naman talaga ginusto ng diyos bagkus ginamit lang ng mga diablo ang kanilang kalayaan upang linlangin ang tao.Sa ganitong paraan ay maiiba na ang paniniwala ng babae sa diyos at tuluyan ngang magigiba ang masaya at buong pamilya. At kung saan ay tatawanan lang tayo ng diablo. 



Ang Antidote- Ang lihim na kaaway ay parang lason, at dapat supilin. Isa sa paraan ay Sambahin si Jesu Christo na kung sino man nga ang sasamba sa pangalan nya ay sumasamba sa Amang Diyos. Pangalawa ay basahin ang JUAN 17 bago matulog at isapuso ito. Pangatlo, ilagay ang walang pagpapaimbabaw sa puso at si Jesu Christo na kalakip ang panalanging iadya ka sa matinding pagsubok.

"In Jesus Name I Rebuke You Evil Doer" katagang dapat panaligan sapagkat aprubado na ang bisa. Gawin pagkagising sa umaga.





Sa mga nabanggit ko naway makatulong sa inyo at naway gawing susi upang maging matagumpay sa buhay at mailigtas ang iba. Kung naglalakad ka na dala ang paniniwala na maliligtas ka sa huling araw at ang tingin mo naman sa iba ay hindi dahil iba ang kanilang relihion, ikaw ay nagpapamalas ng pagpapaimbabaw at dapat pagingatan wag gawin dahil baka ikaw ay ibaba.


Bago ako magpaalam ay magpapakilala po muna ako, ako po ay tawagin nalang ninyong jade, lalake po ako. ako po ay isang manggagamot ng mga spiritual na sakit at pisikal sapagkat ako rin po ay Reflexologist na nakakaintindi din sa mga halamang gamot. Ngunit itong aking paksa ay naka Focus sa Spiritual healing. maari po ninyo ako mamsg sa aking FB account:

 https://www.facebook.com/arnold.orgum.9



 or mag email sa jademerald@gmail.com or magtext sa 09926612393
kung may ibig po kayong ikonsulta sa pagdating sa pisikal o spiritual na problema. handa po akong tumulong sa abot ng aking makakaya. Salamat po..



Magandang araw sa inyong lahat.